Tuesday, August 7, 2018

Filipino ang Wika ng Saliksik!

Ipinagdidiwang ng mga Pilipino ang Buwan ng Wika para sa taong 2018. May temang, "Filipino: Wika ng Saliksik." Ang pananaliksik ay ang proseso ng pangangalap ng mga totoong impormasyon na humahantong sa kaalaman. Ang tema ay kumikilala sa wikang Filipino bilang midyum sa paglikha at pagpapalaganap ng pambansang karunungan at kaunlaran. Sa pamamagitan nito, mapapalaganap ang wikang Filipino sa iba't ibang larangan ng karunungan, lalo na sa agham at matematika.

Ito ay mayroong layuning magudyok ng iba't-ibang pampublikong at pribadong ahensiya na makisama sa mga pangyayaring tulad nito na nararagdagan ang wikang pampamayanan at kamalayan. Ito rin ay naglalayung hikayatin ang mga Pilipino na bigyang importansya ang ating pambansang wika sa pamamagitan ng pagiging aktibo sa mga gawaing gagawin sa selebrasyong ito.

Kaya't halina't magipag-koopera at mas lalong mahalin ang ating wika!

No comments:

Post a Comment